Tuloy tuloy lang ang agos ng buhay, makisabay ka. wag kang kumuha ng bato para iharang ang sarili mo sa agos.
yan lang naman natutunan ko sa buhay ko. haha
bakit ko aaksayahin ang bawat minuto na ginawa ng dyos sa kakamukmok sa apat na sulok ng pader?. kung pwede naman akong tumawa ng malakas at makisabay sa ihip ng hangin?. dba parang mas masaya yun. mas maaapreciate ko ang buhay na ginawa ng dyos.
kaya, smile lang. kung pakiramdam mo pinagbagsakan ka na ng pinaka mabibigat na ulap sa langit, tingin ka parin sa itaas.. tutulungan ka nung makapangyarihang nilalang na nagtatago sa mga puting mga ulap.
