si Anino

Anino



Nilamon ng dilim ang liwanag
Wala ng masilayang sinag
Nananabik sa kahapong pinagsaluhan
Na nasira sa iisang tampuhan

Si anino ay lilisan na
Iiwan na akong mag isa
Sa apat na sulok ng dingding
Sa isang kwartong walang ningning

Ngunit hindi ko maikakaila
Ako’y nagiintay sakanya

Bakas ng kahapo’y di makalimutan
Pangakong aming binitawan